Tuesday, June 26, 2012

SoLiTuDe



Minsan mas gusto ko mapag-isa,
Gusto ko huminto muna sa pagiisip,
masdan ang paligid at sarili ko,
kausapin ang hangin, makipaglaro sa tubig at sa alon nito. Gusto ko matutunan ang pagsayaw ng mga dahon sa puno, gusto kong sumakay sa ulap at libutin ang mundo.

Sa paraan na ito makakalimutan ko na nasaktan ako at paulit-ulit na masasaktan hangga't di ako natututong harapin ng buong tapang ang bawat sitwasyon.

Mahirap lutasin ang problema ng mundo
dahil ang mga taong sumubok at sumusubok pa rin na baguhin ito ay bigo. BIGO, sakadahilanang sila mismo ay BALIKO...

Lahat nag papatalinuhan.
Lahat gustong umangat.
Lahat may pinaglalaban.

Walang totoo dito sa mundo
Lahat tayo nagpapanggap na lang.
Hindi tayo nabubuhay para sa pangarap natin,
ginagawa nalang natin ang trabaho natin.

Masakit isipin at tanggapin.
Pero wag maging matatakutin
dahil ang lahat ay mawawala rin

Sulat ni: Psyche 

No comments:

Post a Comment